RSS Feed

Happy 443rd birthday, La Laguna!

Posted on

 

Noong Hunyo 13, 2012, sa isang kagila-gilalas na pagtuklas, nahanap ng historiador at beteranong manunulat na si José Mario “Pepe” Alas ang tunay na araw ng pagkakatatag ng dakilang Lalawigan ng Laguna. Ayon sa Historia General de Filipinas Vol. 2, isang aklat na iniakda ni Fr. Pablo Pastells, S.J., at matatagpuan sa mayaman at malawak na koleksyon ni Alas, itinatag ang Laguna noong Hulyo 28, 1571. Ang nasabing pagkakatuklas ng tunay na araw ng pagkakatatag ng ating lalawigan ay bunga ng masusing pananaliksik na pinangunahan ng inyong lingkod para sa coffee table book na ating ilulunsad, ang “Laguna: The Heart of the Philippines”. Sa pakikiisa ng Sangguniang Panlalawigan, nilikha natin ang isang ordinansya na opisyal na magtatanghal sa nasabing petsa bilang araw ng pagkakatatag ng Lalawigan ng Laguna.

Governor ER Ejército

*F*I*L*I*P*I*N*O*e*S*C*R*I*B*B*L*E*S*

Ngayong Hulyo 28, 2014, sama-sama nating ipagdiwang at gunitain ang Ika-443 Anibersaryo ng pagkakatuklas ng ating lalawigan. Sa ilalim ng ating pamumuno at agresibong pagpapasaliksik ng kasaysayan ng ating probinsya, natukoy natin ang tiyak na araw ng pagkatatag ng ating pinakamamahal at pinakatinatanging Lalawigan ng Laguna. Kaya naman, nawa’y magsilbing inspirasyon ang pagdiriwang na ito upang mas pahalagahan natin at mahalin ang kultura at kasaysayan na siyang pundasyon ng ating pagkakakilanlan. Mabuhay ang Lalawigan ng Laguna, ang Puso ng Bansang Pilipinas!

Governor ER Ejército

Advertisements

Please share your thoughts about this article.

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: